August 18th, 2008

bakla!!

i wasnt able to go to tagaytay or antipolo kasi naisip ko na natatakot akong bumiyahe mag-isa and since my family went to our old house, sumabay na din ako and decided to just go to st clare in katips at dun ako nagpabaha ng luha. hahaha!! hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pag-iyak pagtuntong ko palang kaya ayun, tuluy-tuloy luha ko. i never blamed Him sa mga nangyayari sakin kasi alam ko lahat ng yun hindi ibibigay kung alam Niya na hindi ko kaya. pinagdasal ko nalang si richard, ang family niya, yung relationship namin and most especially, yung family ko. wala ng para sakin kasi makita ko lang sila na masaya, triple ang happiness na nararamdaman ko. kanina yung first time kong humalik sa relic ni st clare and maghagis ng coin dun sa fountain. kung hindi ko magawang mag-stay sa tabi lang ni richard, kayang-kaya ko naman magdasal for him.

kaninang umaga, at around 5 in the morning nagising ako, bigla nalang siya pumasok sa isip ko. i texted him, "mahal na mahal na mahal kita. sorry for all the bad things that i've done. i love you so much. goodbye."

goodbye. not that i want to end our relationship na, but yeah.. somehow.. kasi pag ang respect nawawala na sa isang relasyon hindi na maganda, mag-aaway nalang kayo ng mag-aaway.. mapapagod. i guess, yun ang nangyari samin ni jake noon and i don't want that to happen again kaya habang maaga iniiwasan ko. sabi ni bev, alam niyang mahal ako ni richard at ako ang nagmamatigas. she asked me kung hanggang kelan ko titiisin ang bf ko, sabi ko, pag nakapag-isip-isip na kami pareho. before, sobrang takot siyang mawala ako sakanya, ewan ko lang ngayon sa dami na din ng iniisip niya. ayoko siya i-pressure that's why never akong nag-demand na magkita kami, hinahayaan ko lang siya.. i remember his text message nung bday ko.. "baby, ngayon palang ako nakakabangon. kamusta handaan diyan sa inyo? di mo manlang ako kamustahin dito." hindi ko siya sinagot. the next morning tumawag siya, i said i'm busy.

bakit ko nagagawa yun sakanya? bakit kayang-kaya ko siyang tiisin kung sinasabi kong mahal na mahal ko siya? one thing, i love myself more than him. sabi nga ni jake kanina, wag kong ikulong ang mundo ko sa isang tao and i said, "indi.. indi na uli.." hah! natuto na ba ako talaga o nagtatapang-tapangan lang ako?

sabi ko hindi ako lalabas ng st clare ng hindi maayos ang pakiramdam ko so nag-stay pa ako dun ng mas matagal and when i was about to ride a jeep pauwi, naisipan kong dumaan ng parlor. nagpa-biolage and haircut ako and somehow nabawasan yung bigat na nafe-feel ko, then i went home. mag-isa lang ako dito sa house kaya nagwala ako, nagvideoke ako, nag-inarte, gumawa ng video. medyo nakalimutan kong may problema pala ako.

sana bukas magkausap na kami ng baby ko..

 

Currently feeling: nothing
Posted by ehem at 04:09 PM | say what u want

August 17th, 2008

nursing..

i'm shaking..

i can't believe with what's happening. my boyfriend's sick, hindi lang basta may sakit, may infection siya sa liver. ano ba??? hindi ba ako tatantanan ng mga ganitong eksena sa buhay ko? now, hindi ko alam kung anong nararamdaman ko basta kanina pa ako umiiyak. haha. i know he's sick, he told me two weeks ago when he found out about that sickness pero parang ngayon ko palang naiisip yung mga bagay na mangyayari. we're not ok, mula nung birthday ko. i stopped responding to his messages and phone calls. basta tiniis ko talaga siya and yesterday i texted him, sabi ko ayoko na blah blah.. never siyang nag-reply. knowing him, pag talagang di maganda ang mga texts ko, di talaga siya sumasagot. nagkataon pa na his lolo passed away at nagluluksa pa siya and his family. my lola died too last august 9 by the way at di niya alam yun kasi nga di pa talaga kami nagkakausap ng maayos. ewan.. naloloka nanaman ako. ang tanging nasa isip ko lang ngayon is gusto ko siyang puntahan. hindi para awayin siya lalo kundi para i-comfort siya pero paano ko gagawin yun kung ako mismo nanghihina dahil sa mga nangyayari?

i chatted with his ex til 3 in the morning and according to her, inggit na inggit siya sakin dahil alam niyang mahal na mahal ako ni richard at habang sinasabi niya sakin kung gaano niya kamahal ang bf ko, nag-guilty ako. she loves my bf so much more than i do.

bev: wht if, i'll try to win his hart agen?
bev: is it ok wth you?

Ehm: uh..

bev: honestly, i want to be your friend...
Ehm: im cool with that

grabe.. is this for real?

i plan to go to tagaytay tomorrow, mag-isa lang ako, keri ko kaya? i'll go to pink sisters, dun ako nakakahinga talaga ng maluwag. kung hindi ko keri sa tagaytay, aakyat nalang ako ng antipolo. mas lalo ko siyang mami-miss kasi the last time na nagsimba kami dun may tinuro siya sakin na first time ko lang talaga nalaman and he's super sweet that time, tapos laway na laway ako sa santol, binili niya ako ng apat. haha. tapos nagkape kami.

haay.. i really miss my baby.. i want to talk to him kaya lang di pa talaga ako ready, baka lalo lang kaming mag-away and i don't want that to happen so saka nalang pag medyo cool na ako.

Photobucket

i took that pic nung nag-overlooking kami tapos ang dami naming baon na junk foods and dun sa resto na kinainan namin may pusang itim, eh takot ako sa pusa tapos itim pa! pag-uwi namin ng house naka-lock na yung pinto namin so di na ako nakapasok, natulog kami sa car i really miss him big time!

**

panalo si gretchen sa pinoy idol. i am rooting for jayann talaga kasi she's versatile pero aaminin ko na mas nagandahan ako sa interpretation ni gretchen dun sa pinoy idol song. di na rin naman nakakapagtaka na nanalo si gretchen kasi mayaman ang family niya, mas maraming pang-text. pero infairness to her, deserving din naman siyang manalo kasi magaling din naman siya.

eh kung sumali kaya ako dun? makakapasok kaya ako ng kahit top 24 lang? haha.. try natin next season. hahaha...

Currently feeling: hungry
Posted by ehem at 04:48 PM | say what u want

August 16th, 2008

yari

i really can't believe it. i am actually chatting with my bf's ex. she's still super inlove with my boyfriend. sabi nga niya, "baliw na baliw ako sakanya, pero baliw na baliw naman siya sayo". at eto pa, gusto niyang ako pa ang tumulong sakanya para makapag-move on. OMG! she keep on asking me these questions, "what if ayain ko siyang lumabas?", "what if tawagan ko siya?", lalala... ngayon pang may tama na ako! i mean, lasing ako. kainuman ko sarili ko. haha. wala lang, napagtripan ko lang uminom ngayon out of boredom. i've been so busy with work to the point na di ko na naaayos ang ipit ng buhok ko at di na din ako nakakapag-retouch. pag uwi ko K.O.! ikaw na bumiyahe araw-araw from antipolo to greenhills and vice versa, kasabay pa ng pagbiyahe mo yung takot na baka mahipuan ka, ma-snatch o kung ano man. pressured ka pa dahil sa deadlines, boyfriend at family matters.

may kasalanan ako kay mr. torres at di ko alam paano ko aaminin. malalaman niya rin naman pero kahit na...

Currently feeling: drunk
Posted by ehem at 10:31 PM | say what u want

August 15th, 2008

fin

hindi ako iiyak.. swear..

Currently feeling: lonely
Posted by ehem at 10:36 PM | say what u want

August 14th, 2008

blok blok blok

received a call from him kanina sa office..

"sino'ng gusto mong kausapin?"

"ikaw, pwede?"

"busy ako."

"ehm naman.. palagi ka nalang maraming ginagawa. kelan ba tayo pwedeng mag-usap? nagtetext ako di ka sumasagot. chinachat kita di ka rin sumasagot. pag tumatawag naman ako lagi mong sinasabing busy ka. wala ka na ba talagang pakelam sakin?"

tahimik lang ako..

hay.. masakit din sakin tong ginagawa kong pagtiis sakanya but i have to do this not just for myself but for him also at sa relasyon na din namin. ayoko din naman sabihin sakanya na puntahan niya ako dahil di pa ako ready na makipagkita uli sakanya. isang buwan na din kaming di nagkikita at aaminin ko na miss na miss ko na siya.

i miss eating with him. we both love pizza hut, siya dahil sa mushroom soup at ako naman dahil sa ceasar salad at pag kumakain kami, isang kamay lang ang gamit niya dahil yung isang kamay niya nasa hita ko o kaya nakaakbay sakin at paulit-ulit niyang sasabihing, "mmm.. sarap!". ganun din pag nagda-drive siya, isang kamay lang din ang gamit dahil yung isa, nakahawak sa kamay ko.

i miss hearing mass with him, talking to him, walking with him and dreaming with him..

gulay! i miss my boyfriend. i miss my baby. i miss richard torres.

pero pipigilan ko muna ang sarili ko. mawawalan ng saysay ang pagmamatigas ko kung magpapatalo nanaman ako sa emosyon ko. he has to learn his lessons. di na kami mga bata, lalo na siya! haha. minsan iniisip ko, masyado ba akong nagiging perfectionist? i know he's not perfect and i am not perfect either, pero may mga decisions na dapat pinag-iisipan ng mabuti. lalo na ang pag-aasawa.. haha.. basta..

**

naka-chat ko si jake kanina. binati ko lang siya coz it's his birthday today! hehe. ayun, ok naman. masarap sa feeling na kahit hindi maganda mga nangyari samin noon, ok pa din kami ngayon so sana maging start yun ng magandang friendship para samin.

**

excited na ako sa bago kong trabaho.. same company and same people pero ibang level na ng trabaho we're on the process of hiring new trainees. magkakaron na ako ng sarili kong assistant, meaning i can now do more challenging work, mas makakapag-focus ako sa mas matatawag kong trabaho pero mami-miss ko siyempre yung dati kong ginagawa, siyempre hindi lang edad ang dapat na nadadag kundi pati knowledge. di ba? teka, parang nasabi ko na yun last year. haha.

Currently feeling: excited
Posted by ehem at 08:18 PM | say what u want

August 11th, 2008

heypi burfday to moi!

happy birthday to me

happy birthday to me

happy birthday, happy birthday...

happy birthday to me!

 

haha, i just turned 25 today! five years nalang, trenta na ako, goodness! a few days before today, my birthday, i thought magbblog ako about me being sad kasi bukod sa walang celebration na nangyari on the exact date of my birthday, may heart problems din ako. alam ko isa lang ang magiging reaksyon ng mga tao pag narinig itong kadramahan ko at sentimyento ko.. "ano'ng bago??" haha.

i actually celebrated my 25th birthday yesterday kasabay ng binyag ng niece ko. my relatives were all here, some of my friends dropped by and some of them ay hinila ako papuntang marikina riverbank para naman makapag-solo kami. we stayed at bonfire grill and resto. kwentuhan, inuman, lalala.. alam ng friends ko na may dinaramdam ako (haha, ano daw??) kaya pinilit nilang patawanin ako at nagtagumpay sila. after 328479 years, nalasing uli ako at dahil dun napaiyak din nila ako. ayoko na sana magkwento ng tungkol sa kung ano'ng nangyayari pero dahil alam kong kailangan ko talaga ng makakausap, i shared with them my problems at habang umiiyak ako sa katatawa, ang dami-dami kong na-realize. i was expecting an ordinary day today pero dahil sa mga realizations na yun, i can still say that today is not just an ordinary day. oo nga, malas nga siguro ako pagdating sa lovelife pero napaka-swerte ko when it comes to people na alam kong totoong nagmamalasakit sakin. i've been through a lot of heartaches sa loob lang ng isang taon pero kasabay nun are the lessons i've learned which i think, made me stronger. i have a wonderful family with two lovely nieces, i have my super friends who are always with me kahit na may kani-kaniya na kaming career at lovelife, yung iba nga may families na din pero palagi pa rin nasa tabi ko pag kailangan ko ng kaibigan. i have a stable job and in fact, unti-unti ng gumaganda ang takbo ng career ko. pero bakit ang lovelife ko, zero pa rin? well, hindi naman talaga zero kasi meron naman.. yun nga lang, we're on a different track and honestly, hindi ako masaya sa tinatakbo ng relasyon namin. wala talaga akong future na nakikita sa relationship ko with him. magkaibang-magkaiba kami ng pananaw. pareho nga kaming family oriented pero yun lang siguro ang isang bagay na napapagkasunduan namin. for three months, pinipilit kong ayusin yung relasyon namin pero di ba nga sabi nila, "it takes two to tango". hindi pwedeng ako lang, not that i am expecting anything in return para sa lahat ng effort ko but i think malaking tulong ang appreciation. birthday ko pero wala siya.. birthday ko pero nasumbatan ako.. tama ba yun?


hay buhay! kung di uukol, di bubukol. pagod na ako sa ganitong eksena. move on ehm! isa pa, ayoko na talaga. oo, marunong din akong umayaw ;p kahapon niya pa ako kinukulit sa kate-text at katatawag pero ni minsan di ako nagreact sa pagpaparamdam niya. nasasaktan din ako dahil tinitiis ko siya but i think it's about time para isipin ko naman ang sarili ko.

by the way, someone serenaded me with the birthday song yun nga lang hindi siya live. ate isa played her kuya's (don mclean of the philippines) version of the birthday song kanina and it made me teary-eyed though i do not personally know his kuya and hindi naman talaga kinanta yun for me, satisfied na ako na narinig ko yung song na yun. kasi nga di ba last year sabi ko, kung sino yung guy na kakanta niyan for me, siya na yung right guy for me. haha. eh kaso wala pa pero masaya na rin ako na narinig ko yung song kanina.

Currently listening to: the birthday song
Currently feeling: sleepy
Posted by ehem at 10:49 PM | 2 loved me

July 7th, 2008

lollies

parang nami-miss ko si andrew.. kamusta na kaya siya at yung girlfriend niyang insekyora?! haha. kung nagawa niya lang ipaglaban yung feelings niya for me eh di sana..

haay.. sana.. haha.. uso kasi ngayon ang guys na walang balls. oopss.. bato-bato sa langit, ang tamaan.. sapul! haha. or maybe, hindi lang ganun ka-strong yung feelings niya for me kaya mas pinili niyang balikan ang ex niyang according to him eh hindi naman niya mahal.

hay naku, kiber! na-miss ko lang siya.

ang sakit ng katawan ko! dahil i'm getting fatter na kelangan ko na magburn ng fats! nag-a-after six na ako ngayon at nag-eexercise kaya super sakit ng likod ko. once a day nalang ako kumakain ng rice, breakfast nalang kasi magagalit ang nanay ko pag hindi ako lumafang and because napapangitan na ako sa sarili ko, i went to a salon yesterday. pina-rebond ko hair ko at pina-cellophane. dapat black lang pero gusto ko i-try naman ang bagong look, may pagka-brown na siya ngayon. thanks to dona. siya yung nagpaganda sa hair ko. haha. importante sakin ang pagiging maayos ng itsura ko because that's when i feel better about myself. nakakadagdag ng confidence pag alam mong maayos kang haharap sa mga tao. pero ayoko ng makapal na make-up, powder at konting blush on lang ok na.

hhmm.. my birthday's coming. this year kaya may kakanta na ng the birthday song for me? let's see..
 
btw, my bf brought me five lollipops today. aaww.. ang sweet
Currently feeling: excited
Posted by ehem at 01:28 PM | say what u want

July 4th, 2008

survey mode

1. Name someone who can always make you smile?
- my escape from reality. sino un???? hahaha
2. What were you doing at 10:00 this morning?
- working
3. What were you doing 30 minutes ago?
- sleeping
4. What did you do last night?
- tulog!
5. What color is your hair brush?
- pink
6. Have you text voted for an American Idol?
- no
7. Hot tea or Iced tea?
- wala
8. What was the weather like today?
- i'm not Mr. Weatherbee. oha ang labo ng sagot
9. Where did your last hug take place?
- sa garahe ng bahay namin
10. What are you excited for?
- my bday yeah baby!!
12. Closest thing to you that is green?
- mind
14. Last person you spoke to?
- ofismate
15. Are you very random?
- yes
16. Do you want to get your hair cut?
- yes
17. Are you over the age of 25?
- no
18. Do you talk a lot?
- if i found u interesting. if i dont talk it's either i dont like u or i'm bored. hehehe.
19. Does your screen name have an x in it?
- wala
20. Do you know anyone named Stephanie?
- yes
21. Do you make up your own words?
- sometimes
22. Are you ticklish?
- yeah
23. Are your ears pierced?
- yup
24. Bar soap or body wash?
- perla.. haha
25. Are you a jealous person?
- depende
26. What brand of shampoo do you use?
- pantene
27. Do you have curly hair?
- nah
28. Where did you go today?
- office lang
29. What 1 item do you always pick up at the grocery store?
- cheetos jalapeño
30. What do you say a lot?
- so?
31. Red or White Wine?
- wala
32. Do you think you are pretty/handsome?
- i am! handsome. hahaha
33. What are you doing tonight?
- i don't know yet
34. Who was your last missed call?
- someone that i used to love.. ha?
35. What should you be doing right now?
- working.. hihi
36. Do you have a nickname?
- yep
37. Are you a heavy sleeper?
- i am
38. What are you listening to?
- wala
39. Is there anyone you like right now?
- yes
40. When was the last time you did the dishes?
- the other night
41. Did you cry today?
- almost
42. How big is your bed?
- enough for me..and for one more. haha joke
43. Do you know someone with the same birthday as you?
- yes
44. How many pictures are hanging in the room you are in?
- none
45. Does anyone like you?
- i dont know
46. Do you collect anything?
- toy cars, piglet stuffs, bags and slippers
47. Let's skip this number.
48. What is on your mouse pad?
- wala
49. Do you like coffee?
- yes
50. Do you know anyone in the military?
- yes, my cousin faye
51. Number of pillows you sleep with?
- two
Currently feeling: thirsty
Posted by ehem at 01:08 PM | say what u want

July 3rd, 2008

sadness

you came to me
like the raindrops falling
you kept me out
from misery and longing
but I hated
the moment you went away
there's no use crying
shed tears neverending
I never wanted to say goodbye
not even just for a while
I know there's nothing I can do
for now I just have to let you go
Currently feeling: working
Posted by ehem at 05:41 PM | say what u want
« Newer | »